Page 1 of 45

Maria Ruby De Vera Cas

Pasong Buaya II E/S

Imus City, Cavite

Page 2 of 45

Aralin 8-Unang Araw

Biyaya ng Kalikasan Tungo sa Pag-unlad

Layunin

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong napakinggan

Nakapagtatanong tungkol sa kuwentong napakinggan

Page 3 of 45

Pagbabaybay

Unang Pagsusulit

Page 4 of 45

Tukuyin kung aling mga larawan ang dapat magkasama upang mabuo ang mga puzzle. Isulat sa kuwaderno ang letrang dapat magkasama.

Page 5 of 45

chainsaw

A

B

maskulado

E

F

C

gulok

D

palakol

G

H

Page 6 of 45

Ano ang ibig sabihin ng maskulado?

Page 7 of 45

Alin sa mga larawan ang palakol? Chainsaw? Gulok?

A

B

C

Page 8 of 45

May paborito ba kayong puno sa paaralan?

Ano ang kalimitang ginagawa ninyo rito?

Page 9 of 45

Ano ang nangyari sa puno sa kuwento?

Page 10 of 45

Ano ang pamagat ng kuwento?

Sino ang sumulat at gumuhit nito?

Bakit kaya “Puno para sa Lahat” ang pamagat nito?

Page 11 of 45

Page 12 of 45

Page 13 of 45

Pagbasa ng Kuwento

PUNO NA PARA SA LAHAT

Kuwento ni Grace D. Chong

Guhit ni Beth Parrocha-Doctolero

Page 14 of 45

“Talaga?! Pwede nating kainin ang lahat ng prutas na gusto natin?!”tanong ni Gadong na pataas-taas ang kilay.

Page 15 of 45

“Oo! Atis, kasuy, chico, caimito, saging, lahat ng nasa halamanan niya! Habang nililinis natin ang kanyang bakuran, pwede rin tayong makipaglaro kay Arsab!” sagot ni Teo.

“Arsab? Sino si Arsab?”

“Ang aso ni Apong Cion.”

“At ang kailangan lang nating gawin ay linisin ang kanyang bakuran? Yun lang?!” Nanlaki ang mga mata ni Gadong.

“Napakalawak ng kanyang halamanan!”

Page 16 of 45

“Ah,” kinagat ni Gadong ang kanyang labi. Di pa siya nakakakita ng isang halamanan, mas lalo nang di pa nakapaglinis ng isa. Walang ganoong lugar sa Maynila.

“Halos naroon na tayo,” sabi ni Teo, habang ipinihit pakanan ang bisikleta.

Page 19 of 45

“ Tumigil kayo! Huwag ninyong maputol-putol ang punong ito! Mas matanda pa yan sa bawat isa sa inyo. Ang yumao kong asawang si Berto ang nagtanim niyan at mananatili yan diyan!” sabi niya sa matinis na boses na lalong nagpagalit kat Arsab.

Page 20 of 45

ARF!ARF!ARF!

“Di naman sa inyo ang punong ito!” pangangatwiran ng mga lalaki. “ Nasa labas ito ng bakuran ninyo at kailangan naming putulin para maitayo ang isang poste ng ilaw.

“At di rin naman sa inyo ang punong ito. Ito’y sa Diyos! Ang poste ng ilaw ay pwede doon sa mas malayo. Walang puputol ng anumang puno! Naiintindihan n’yo?, “ sabi ni Apong Cion, habang walang tigil na iniaamba ang kanyang walis.

Page 21 of 45

“Manong, mawalang-galang nga po,” sabad ni Teo. “Tama si Apong Cion. Sabi ng tatay ko’y kailangan nating protektahan at pangalagaan ang mga puno. Ang mga ibon ay gumagawa ng kanilang mga pugad sa mga ito.”

Sabad ni Gadong, “Ang mga puno’y tumutulong para maiwasan ang mga baha at – global warming!”

Page 23 of 45

“Eh di sige!” natawa ang tatlong lalaki. Alam nilang si Apong Cion ay napakatanda na para magkalakas pang pumunta sa opisina ng mayor.

Matapos mag-isip nang mabilis, sabi ni Teo. “Halika na, Gadong!” at nagbisikleta nang palayo kasama ang kanyang kaibigan.

Page 24 of 45

“Wala pa ang Meyor,” sabi ng guwardiya ng munisipyo sa mga batang lalaki. “Nasa bahay pa siya.”

Mabilis na pumunta sina Teo at Gadong sa bahay ng meyor.

“Bakit kayo narito?” angil ni Senyo, ang pakialamero at nagmamarunong na katulong sa bahay ng meyor.

“Manong!”bulalas ni Teo. “Kailangan naming makausap agad si Meyor.

Page 26 of 45

“Mga bata, huwag n’yo akong pangaralan!” reklamo ni Senyo. “Ano naman ang konting baha? Wala ‘yun. Alis na! Di pwedeng istorbohin ang meyor.”

“Ah, pero siguradong gusto ng meyor na malaman ang mga importanteng bagay tulad ng pagputol sa isang matandang puno!”

“Hindi,”pilit ni Senyo, “hindi kayo pwedeng makipagkita sa kanya ngayon.”

“Sige na naman, Manong!” nagmakaawa si Teo.

“Shhh!” saway ng katulong.

Page 27 of 45

“Manong, making ka naman!” sabi ni Teo sa matinis na boses.

“Di ba kayo natatakot sa Global Warming?!” tanong ni Gadong sa matinis na boses din.

“Global WORM… ano yun?! Hahaha!At sino ka ba?” tanong ni Senyo kay Gadong.

“Isang propesor na taga ibang

bayan?!”

“Ibig sabihin ng GLOBAL

WARMING ay painit ng painit ang

temperatura sa buong mundo.

Page 31 of 45

“Ano?!” Umakyat nang sampung decibel ang boses ng meyor. “Walang sinuman ang pinapayagang pumutol ng anumang puno sa bayang ito. Hindi maaari habang ako ang meyor!”

“Sabi nila’y inutusan daw sila ni Mr. Makayo! At dahil nag-utos daw kayo na magtayo doon ng poste ng ilaw.”

“Nag-utos ako ng maglagay ng poste sa lugar ni Apong Cion, pero hindi ko inutos na magputol ng mga puno! Tatawagan ko ang tindahan ng mga kasangkapan, “ sabi niya, habang papasok sa bahay. Pagkatapos ay lumabas siya agad, “Wala doon si Mr. Makayo. Mas mabuti pang sumama na ako sa inyo!”

Page 36 of 45

“Hindi si Senyo ang Meyor, kundi ako! Kailanman ay wala akong pinahintulutang pagputol ng anumang puno. Pakausap sa kanya! Ngayon din!”

Iniabot ni Mr. Makayo ang cellphone kay Senyo.“SENYO! Bumalik ka sa bahay ngayon din!” bulyaw ng meyor, habang kinakapos sa paghinga.